Ang kabilang bahagi: Ito ay isang paglalahathala ng damdamin ng isang tao na naghahanap ng pag-asa sa kabila ng lahat ng paghihirap na nararamdaman nito. Nagpapakita naman ito ng katatagan upang mas lalong madama ang tunay na ganda ng buhay!
Tuesday, January 11, 2011
Sino ba talaga ako?
Alam kung ano ang feeling na magkaroon ng kakaibang mundo. Naiiba sa lahat. Pakiramdam ko ay sarili ko lamang ang tangi kong kakampi at higit na nakakaunawa sa aking mga nararamdaman. Minsan naiisip ko na kailangan kong masubukan ang mga bagay upang mas maunawaan ko ang mundong kinatatayuan ko at dahilan na rin upang mahanap ko kung sino at ano talaga ako. Hindi masama ang maging isa. Minsan ay mas mabuti ito upang higit nating makilala ang ating mga sarili, malaman ang mga gusto at ayaw natin, at higit sa lahat ay mahanap kung saan ang dapat nating kalagyan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment