Ang kabilang bahagi: Ito ay isang paglalahathala ng damdamin ng isang tao na naghahanap ng pag-asa sa kabila ng lahat ng paghihirap na nararamdaman nito. Nagpapakita naman ito ng katatagan upang mas lalong madama ang tunay na ganda ng buhay!
Friday, January 14, 2011
My Guiding Star
"Nasaan na kaya sya?" yan ang lagi kong tinatanong sa langit tuwing gabi pag ako'y umuwi mula sa school. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kapag nakikita ko ang unang bituin na tila pumupukaw ng aking atensyon. Habang aking binabaybay ang daan pauwi, namangha ako sa taglay na gandang hatid nito sa aking mga mata. Tila ito'y isang maliwanag na bagay na kumukumpleto sa aking pagkatao. Naliwanagan lahat ng kadiliman sa aking pagkatao. Napansin ko ang kakaibang bituin na ito ilang araw pa ang nakalipas at mula noon ay tinawag ko na itong si "Guiding Star". Siguro kaya ko s'ya nakikita tuwing gabi ay dahil sa aking pag-aasam na maramdaman ang tunay na pagmamahal sa pamamagitan ng kanyang pag-gabay sa akin tuwing gabi. Kung iyon man ang dahilan kung bakit siya nar'yan, malaking pasasalamat ko ito dahil nararamdaman ko na kahit butiun lang ito, siya ang masasabi kong nagmamahal sa akin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment