Saturday, June 18, 2011

To Kuya Mike!!:)

Ang ganda ng stories mo. I really salute you! Simula nung nabasa ko yung "Idol Ko Si Sir", di ko na nilubayan na basahin ulit dahil sa ganda ng mga aral na turo nito sa kabila ng lahat ng twists-in-reality theme nito. Di mo lang ako napataw at napaiyak, kundi napamangha mo ako dahil sa nakaka-relate na ako sa istorya, may aral pa akong baon at naibabahagi ko sa iba. Pinagmamalaki ko na isa ako sa mga sumusubaybay sa blog mo dahil alam kong maraming bloggers ang nagkakaisa dahil sa mga kwentong naibabahagi mo ioyng blog. Tulad na lang ng kwento ni kuya Rom at Jason.., sometimes, I also dreamed to have a brother, a companion like him kaya ganun na lang ang subaybay ko not only in that certain story but also the rest. Sana magkaroon ako ng pagkakataon para makakwentuhan ka at maibahagi ang kwento ng buhay ko...:)haha...pero seyoso, sana maikwento ko un sa'yo at magawan mo rin iyon ng kwento kahit na short story lang. I Love Your Blog kuya mike and I continue to be your follower till the end. Sensya na madamdamin, huh...Thanks again kuya... 

Saturday, March 5, 2011

a long long time!!!

Its been a long time na naman bago nakapag-bukas ng blogger!!! anyways, there are experiences that still I can't move on...since the day that I tried my luck on a different side of life, it felt so unhappy and quite exhausted dahil sa mga chnages na dulot nito! Siguro, I have to improve myself more and be myself standing on what I strongly believed in. Sana sa sususnod, mas maipakita ko na ang sarili ko na magiging daan upang maging malaya sa isang pagtatago at upang ikagalak hindi lamang ng mga taong nakapaligid sa'yo kundi pati mismo ang sarili mo.

Friday, January 14, 2011

My Guiding Star


"Nasaan na kaya sya?" yan ang lagi kong tinatanong sa langit tuwing gabi pag ako'y umuwi mula sa school. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kapag nakikita ko ang unang bituin na tila pumupukaw ng aking atensyon. Habang aking binabaybay ang daan pauwi, namangha ako sa taglay na gandang hatid nito sa aking mga mata. Tila ito'y isang maliwanag na bagay na kumukumpleto sa aking pagkatao. Naliwanagan lahat ng kadiliman sa aking pagkatao. Napansin ko ang kakaibang bituin na ito ilang araw pa ang nakalipas at mula noon ay tinawag ko na itong si "Guiding Star". Siguro kaya ko s'ya nakikita tuwing gabi ay dahil sa aking pag-aasam na maramdaman ang tunay na pagmamahal sa pamamagitan ng kanyang pag-gabay sa akin tuwing gabi. Kung iyon man ang dahilan kung bakit siya nar'yan, malaking pasasalamat ko ito dahil nararamdaman ko na kahit butiun lang ito, siya ang masasabi kong nagmamahal sa akin.

Help Me

I'm a newbie here in blogger. I just want to seek help to update and improve my blog. Thanks and Have a good day.

Tuesday, January 11, 2011

Sino ba talaga ako?

Alam kung ano ang feeling na magkaroon ng kakaibang mundo. Naiiba sa lahat. Pakiramdam ko ay sarili ko lamang ang tangi kong kakampi at higit na nakakaunawa sa aking mga nararamdaman. Minsan naiisip ko na kailangan kong masubukan ang mga bagay upang mas maunawaan ko ang mundong kinatatayuan ko at dahilan na rin upang mahanap ko kung sino at ano talaga ako. Hindi masama ang maging isa. Minsan ay mas mabuti ito upang higit nating makilala ang ating mga sarili, malaman ang mga gusto at ayaw natin, at higit sa lahat ay mahanap kung saan ang dapat nating kalagyan.